Greetings friend!
Hi dear forummer and visitors!
Ang kaligtasan ng tao ay nakasalalay sa Diyos, ang dakilang sakripisyo ni Kristo sa krus ng kalbaryo na sinasabing naganap na o natapos na!
Tayo ay marumi dahil sa ating mga kasalanan at bagsak tayo sa standard o sa timbangan ng Diyos…
Sapagka’t ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos, walang mabuti walang nasumpungan ang Diyos na gumagawa ng mabuti pagka’t ang Diyos lang ang mabuti… Roma 3:10
Walang nakasunod ng lahat ng utos o sampung utos ng Diyos pagka’t kahit isa ang hindi masunod dun ay nabalewala na ang lahat ng utos na yun.
Hindi tayo makagagawa ng sarili nating daan sa langit sa pamamagitan ng mga gawa nating mabuti na parang basahan na pantakip sa ating mga ketong na larawan ng kasalanan…
Walang perpekto at araw araw ay nagkakasala ang tao… sabi ni pablo na sa pamamagitan ng biyaya kaya tayo naligtas hindi sa pamamagitan ng mga gawa na baka ang sinuman ay magmalaki… epeso 2:8-9.
Tayo ay nalinis, napatawad at inaring ganap sa pamamagitan ni Kristo… Juan 3:16, Juan 1:12… sila na nanampalataya ay pinagkalooban ng kapangyarihang maging mga anak ng Diyos.
Sabi ni Hesus ako ang daan ang buhay at katotohanan… walang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko… Juan 14:6
Hindi dapat na gamitin ang biyaya upang I excuse ang sarili o exempt ang sarili para gumawa ng kasalanan hindi rin dapat ipagsabong ang faith at works…
Ang bunga ng pamamapalataya ay mabubuting gawa… tayo ay naligtas sa pamamagitan ni Hesus sa Kanyang dugo at dahil dito tayo ay nabago at nakakagawa ng tama.
Binangit ni apostol Santiago sa mga mananampalataya na kung paanong ang pananampalataya ay naipapakita sa iba at kung paanong tayo ay mga Kristiano na at tagasunod ni Kristo…
Alam ng Diyos ang ating mga pagkukulang… alam Niya ang ating mga kahinaan, limitasyon at pagbagsak… purihin ang Diyos sa Kanyang kamangha- manghang pagliligtas at pangako na tayo ay hindi iiwan pagka’t Siya ang may hawak sa atin.
Na tayo ay mabuhay ng balanse at normal bilang mga Kristiano ayon sa Salita at kalooban ng Diyos… kahit ang pinakamasama sa tingin ng tao ay pwedeng maligtas at nais maligtas at mabago ng Diyos.
Ang tao sa kanyang kasaysayan… ang manlilikha… ang pagpipinta Niya sa ating buhay ang ating larawan… ang magpapalayok at ang paghuhubog Niya sa palayok… ang lahat ng nangyayari ay may dahilan at purpose o plano ang Diyos, ating tanggappin ang realidad na nangyari na at ituwid ang mga pagkakamali noon.
Gagantimpalaan ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik gagantimpalaan Niya ang mga tapat na Mananampalataya at paparusahan ang mga di sumampalataya sa Kanya na makasalanan na pinili ang masamang buhay…
By: James307
Theologian and Preacher
From: The Philippine Baptist Church (Evangelical)
Angeles City, Pampanga.
Other useful online religious search for every one:
Visit: www.gotquestions.org for more biblical answers.
www.thebereans.net to see religious cults profile
and
Pinoy religion forum, pinoy forum and pinoy tambayan forum @ google to know other pinoy inside and outside the country through the internet building friendship and helping others for a cause.
Thanks and God bless!